Akala ko pinakamahirap na yung naranasan ko nung nalaman kong buntis ako, suddnely naging concern ka na sa lahat ng bagay lalo na sa pagakain.Nung una chillax lang ako at parang wala lang pero ng mag 3 linngo na buhat ng malaman ko ang aking pagbubuntis eh ayun naramdaman ko na yung morning sickness actually hinde lang morning ang sickness ko kahit kelan walang sabi sabi at ako'y magtutunog metal singer kasusuk.Ako ay isang "kilabot ng mga taxi!" bkit?hinde ako holdaper ng taxi pero takot ang mga taxi driver saken kasi nagkamotion sickness ako kaya maririnig nila mula sa likod ng taxi ang aking pagsuka."Maam kailangan nyo ng plastic?"hinde sya concern saken kundi ang thought na magaamoy buro ang kanyang upuan.Natutunan ko magbaon ng maraming plastic,tubig at crackers dahil bawala akong magutom kahit isang pitik ng gutom lang sumasama ang katawan ko.Then natapos ng 3 buwan ng pakikipagbuno sa morning sickness at nung pitong buwan naman ako eh gingivitis naman ang kachokaran ko na ayaw akong tantanan.Lahat ng itoy eh lumipas din naman.Hanggang sa ipanganak ko nga ang pinakamagandang babaen na nakita ko.Victoria Summer ang pangalan nya :)
Akala ko mahirap na yung magbuntis mas mahirap pa pala yung nanganak ka na halong pagod,puyat at pagpapagaling ang ginawa ko.Ganito pala maging isang ina ibibigay mo lahat para sa anak mo kahit pa igiveup mo yung sarili mong kapakanan suddenly mas naiintindihan ko na mga nanay na paranoid at madrama kasi super protective mga nanay parang pusa nangangalmot paghinawakan mo yung kuting nila.
4na buwan na si Summer ngayon nakakatuwa kasi dami nynang naiimbentong gawin tulad ng akala mo kumakain sya ng mangga na ngangasimngasim pa at nagaala Mariah Carey na tumitili tili . Nageenjoy ako sa bawat araw na kasama ko sya at gusto kong alalayan sya mula ng dumating sya sa buhay ko hanggang sa lumaki na sya makahiligan kaya nyang magmakeup tulad ko o makahiligan nyang magcomputer tulad ng Daddy nya.Hmmmmm.... abangan :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento