Sa Pilipinas usong uso ang katakot takot na whitening products dala ng impluwensyang kapag maputi maganda.May nagsabi saken nuon na parang 1/2 ng kagandahan ang maputing balat( alam ko mapapailing ka sa kalokohang toh)Dey say that beauty is skin deep.Kalokohan ulet.Because we are bombarded by the media with the images of Pinoy celebrities na half,half british, brazilian,american,japanese pati na half german sheperd eh nalulula tayo sa ganda ng balat nila walang halong batik na brown. Naglalaway tayo na sana ganun din ang balat ko at eto ang mga kumpanya na nakangising sinasamantala ang kahibangan nating mga Pinoy.Lahat ng klase ng pampaputi eh nasa gondola ng mga supermarket at drugstore.Sabon,pills at pag may pera ka talaga eh injectibles keri na kung hinde masyadong pantay, kulay gatas ang mukha tapos kulay bukayo yung leeg. Bias talaga tyo kahit nga sa pageant eh mas nanalo yung kulay bumbilya ng ilaw at may apelyidong hinde mo mabigkas bigkas pero pansinin mo mas nanalo internationally yung mga mutyang kulay Pinay na distinct sating mga Pinoy.Nakakalungkot na hinde natin kayang mahalin ang sariling atin maski balat o kultura. Laging trip natin ay foreign.
Pumunta naman tyo half way across the earth dito sa Canada balistad sandamamak ang tanning product dito may lotion, may cream syempre,self tanning spray nanjan ang parang bread toaster na tanning bed the more your skin is caramelize the more healthy looking at Hot you are. Hangang hanga ang mag puti lalo ang mga kababaihan kapag perfect at flawless ang iyong tan skin. Kaya mga Pinay dito ay exotic no effort magpaTan kasi likas na saten ang pagiging kayumanngi.Kelangan mo pa bang mapunta ng foreign country to be proud of your skin?No.kahit nakakaasar ang pagiginng bias ng ilang media sa Pinas sa pagpabuo ng image na half breed ang may K tandaan mo na dadating din ang panahon at magigisng din ang ating mga kababayan na kahit anung pagkayod mo sa balat mo eh lalabas pa din ang tunay mong sarili ang pagiging Pinoy.
Note:I havew nothing against the half race or whatsoever because my daughter is half.But I will teach her to be proud of her Pinoy blood. Makakain na nga ng dinuguan kela mang Cesar :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento